Nanguna ang ischemic heart disease bilang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas mula Enero hanggang Agosto 2024, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa ahensya, nakapagtala ang ischemic heart disease ng 60,253 kaso, na tumatayang 19.8% ng kabuuang bilang ng mga namatay sa bansa.
Sumunod dito ang neoplasms na may 33,910 kaso ng pagkamatay, na kumakatawan sa 11.1% ng kabuuang bilang, at cerebrovascular diseases na may 30,552 kaso o 10.0% ng total deaths.
Kasama rin sa listahan ng mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ang pneumonia, diabetes mellitus, hypertensive diseases, chronic lower respiratory diseases, respiratory tuberculosis, at iba pang sakit sa puso.
Ayon sa PSA, ang mga datos na ito ay nakuha mula sa mga timely at late registered deaths mula sa Office of the City/Municipal Civil Registrars sa buong bansa at isinumite sa Office of the Civil Registrar General sa pamamagitan ng Provincial Statistical Offices ng PSA.
0 Comments