PAGCOR, ITINANGGI ANG BALITANG PAGBUBUKAS NG POGO;



'THERE IS ABSOLUTELY NO TRUTH TO THIS'


NAGBABALA LABAN SA PAGLALABAS NG MALI O HINDI TAMA NA IMPORMASYON

 Naglabas ng babala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kaugnay sa mga liham at text messages na kumakalat, na naglalaman ng maling impormasyon na nagsasabing muling magbubukas ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Ayon sa PAGCOR, ito ay isang uri ng disinformation na kailangang iwasan at hindi paniwalaan.

 “It has come to our attention that some people are enticing potential investors into paying huge amounts for supposed limited slots of POGO licenses, and saying POGOs will be supposedly operating directly under PAGCOR,” ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco.

 Idiniin ni Tengco na ang pagbabawal sa POGOs ay nananatiling epektibo at wala pang planong ibalik ito, ngayon o sa hinaharap.

 Pinayuhan niya ang publiko na maging maingat at kung makatanggap ng mga text messages na nagsasabing may available na POGO slot, agad itong ireport sa PAGCOR o sa mga lokal na pulis. Binanggit niyang ang mga ganitong uri ng mensahe ay isang panloloko at dapat itong pigilan upang maiwasan ang anumang uri ng panlilinlang.

Post a Comment

0 Comments